Ni Vim Nadera
First National Conference-Festival on Corruption
Dec. 8-9, 2008
University Hotel, UP Diliman, Quezon City
PASAKALYE
Noong 1988, pangungurakot na ang
itinuturing ng Arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin na
"pinakamabigat na problema" ng Pilipinas noong Administrasyong
Marcos.
Noong 1989, pinaniniwalaang ng Administrasyong
Aquino na "mas banta sa seguridad ang mga nangungurakot na
opisyal ng gobyerno kaysa komunistang gerilya.
Noong 1992, para sa dating Pangulong Fidel V. Ramos ang korupsiyon
ang ikatlong balakid sa pag-unlad ng bansa.
Noong 1998, mataas ang nakuhang
grado sa Transparency International and the Political and Economic
Risk Consultancy (PERC), LTD. Pumang-anim ang Pilipinas sa 11 bansa
sa Asya sa PERC corruption perception index (CPI), isang sukatan
ng nawalang oportunidad sa mga investment. Habang dumadami ang mga
paglutas sa problema ng kurakutan, ang iskor na 6.5 ang Pilipinas
ay hindi pa rin ligtas sa krimeng ito. Umabot sa 30% ng pambansang
badyet taon-taon ang nawawala sa kurakot. Kaya, kung ang badyet
noong 1999 ay P590 bilyon (US$15.5 bilyon) ang nawawala sa nakaw
ay P170 bilyon (US $ 4.47 bilyon).
Noong Administrasyong Estrada nangako
siyang ibaba ang karakutan bago matapos ang kanyang panunungkulan
sa 80 %.
Dahil sa Edsa Dos, mabibigyan ng
bagong pag-asa laban sa korupsiyon ang mga Filipino sa pagkakaluklok
ni Gloria Macapagal Arroyo.
Kamakailan, wika ni Sen. Mar Roxas:
"This mess in Moscow is not only an international embarrassment
but goes to the root of the rule of law in our country because it
involves those mandated to enforce the law. If this is what our
police generals are doing, how can we stop corruption in the streets."
Ang eskadalong kinasasangkutan ng
tinatawag na media na "Eurogenerals" ay ang pinakahuli
ng mga sunod-sunod na kasong high-profile sa Pilipinas, kasangkot
ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Gloria Macapagal Arroyo.
Matatandaang napuwersa ang ibasura ang $329-milyong internet broadband
deal sa pamamagitan ng pamahalaang Filipino at Tsino at ng mga kompanyang
ZTE – ilang buwan lamang matapos personal na saksihan ni GMA
ang kasunduan sa Tsina noong 2007.
Dahil sa paglabas ni Engr. Rodolfo
Noel Imperial Lozada, Jr., napilitang magbitiw si tagapanggulo,
o tagapangulo, ng Commission on Elections na si Benjamin Abalos,
na naakusahan ng paglalagay sa dating kalihim ng Socio-economic
Planning Romulo Neri.
Ipinangalandakan ni GMA ang "executive privilege" upang
mapigilan si Neri na sumagot sa panggigisa ng Senado kung bakit
pinayagan ni GMA ang transaksiyon gayong maanomalya ito.
Ayon sa ulat ng Center for Global
Development, isang taga-Washington monitor na magmumungkahi kung
karapat-dapat bigyan tayo ng tulong sa ilalim ng Millennium Challenge
Corporation ng Estasdos Unidos, bumagsak ang kakayahan ng pamahalaan
ng Pilipinas na sugpuin ang korupsiyon nitong nagdaang dalawang
taon.
Ayaw pumayag ni GMA, na nagsabing ang dapat sisihin sa persepsiyong
laganap ang pangungurakot ay walang iba kundi ang media:
"What would be on page 10 in
some other countries would be a banner headline in the Philippines,"
ani GMA sa isang forum ng mga negosyanteng internasiyonal sa Maynila,
"Even rumours and innuendos become fact when they're in the
banner headline, that's part of what we have to live with."
Kaya kinulat ni GMA ang sektor ng
negosyo na iulat agad ang katiwalian o kalokohang mararanasan sa
mga ahensiya ng pamahalaan upang "magawan niya ng paraan."
Sa kabilang-dako, ayon kay Justin Woods, ang direktor ng South-East
Asia corporate network ng The Economist Intelligence Unit, hindi
siya naniniwalang persepsiyon lamang ang kurakutan sa Pilipinas:
"If you talk to business people privately, they believe that
perception is correct and that corruption is high and its a problem
that needs to be addressed."
ANO NGA BA ANG KURAKOT?
Isang konsensus ang nabubuo.
Ito ay nagsasabing malalang sakit
ang korupsiyon.
Dahil dito, paparami nang paparami
ang mga tanggapan sa buong mundo ang nagsisimula nang gumawa ng
mga patakaran para ito sugpuin.
Ang mga ito sana ay lumikha ng mga batayan kung paano suriin ang
mga patakarang ito.
Dapat makabuo ng mga panukat at
para masukat ang epekto ng mga ito ay kailangan nang simulan ngayon.
Ilan sa mga uri ng korupsiyon ay
walo. (8 URI NG KURAKOT POWERPOINT)
1. Tax Evasion (p.189)
• hindi pagbabayad ng tamang buwis;
• hindi pagdedeklara ng taunang kita para magbigay ng karampatang
buwis sa gobyerno;
• talamak sa hanay ng negosyong pribado;
2. Ghost Projects and Payrolls (p.78)
• proyektong nasa papel lamang;
• hindi tinutupad at ginagamit ng mga opisyal para magkapera;
• ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno sa impraestruktura,
suweldo, allowances, at pensiyon.
3. Evasion of Public Bidding in
the Awarding of Contracts
• pag-iwas sa bidding ng mga
komite sa bid at award;
• igagawad, sa halip, sa kakontsabang kompanya o kontraktor;
• kapalit ang cut/kickback/lagay/komisyon o bahagi ng perang
nakurakot, na ibinibigay sa mga nagsagawa ng ilegal na transaksiyon
(p.51);
• para makaligtas, ginagamit ang "piece-meal purchasing
strategy" o pagbili nang pakonti-konti ng mga gamit at materyal
pero tuloy-tuloy;
• kasunduan ng bibili at bibilhan ang nagaganap nang may porsiyento
ang bibili na ginagawa sa sadyang pagtataas ng presyo ng bibilhin
o ang pagbili ng may mababang kalidad na produkto.
4. The practice of passing contracts
from one contractor to another
• sa konstruksiyon, pinagpapasa-pasahan
ng mga kontraktor ang trabaho at bawat isa ay may porsiyento;
• mahinang klase ng proyekto o di-tapos ang resulta nito;
• lahat may patong (p.150) o halagang idinadagdag o inapatong
ng mga korap sa totoong badyet ng isang proyekto, na napupunta sa
kanilang bulsa o tongpats (p.195).
5. Nepotism and Favoritism
• nakasanayan na ng mga opisyal
ng gobyerno ang magluklok sa posisyon ng mga kaanak at kaibigang
hindi kuwalipikado;
• isa ito sa mga sanhi ng kawalan ng tiwala ng bayan dahil
nagbubunga ito ng inepisyensiyang burukrasya.
6. Extortion
• pagkuha ng pera o paghingi
ng pabor sa biktima sa pamamagitan ng intimidasyon, pananakot, at
dahas;
• bukod sa pera ginagatasan ng mga opisyal ng gobyerno ang
kanilang kliyente ng mahahalagan bagay o kung ano-ano mula sa karaniwang
tao;
• talamak ito sa mga ahensiyang nagbibigay ng lisensiya o
clearance at iba pang dokumento, o ang mga tanggapang nagrerekrut
o tumatanggap ng mga tauhan, o ang mga opisinang nagkakaloob ng
serbisyo sa tao nang direkta.
7. "Tong" or Protection
Money
• perang suhol o bayad para
sa ilegal na serbisyo o perang proteksiyon para hindi maaresto at
maparusahan (p.194);
• karaniwang nagbibigay ay ang mga negosyanteng walang permit;
• sinumang nagbibigay ng proteksiyon sa mga holdaper, kidnaper,
at iba pang kriminal para sila ay hindi maaaresto o makulong, karaniwan
ay mga pulis o may koneksiyon sa mga pulis (p.194) o kotong cop
(p.109) o iba pang tagapagpatupad ng batas-trapiko na mahilig manghingi
ng tong sa mga motorista;
• kotong (p.109) ang tawag sa perang kinukuha sa biktima ng
mga pulis o opisyal o sa sapilitang pagkuha ng pera sa mga biktimang
kalimitan ay walang magawa kundi magbigay kahit walang-wala at kotongan
(p.110) ay ang pagkuha ng suhol mula biktima ng mga konsuholtang
(p.52) o taong dalubhasa sa katiwalian kaya kinokonsulta upang magtagumpay
ang mga gawaing korup;
• pangongotong (p.145) pangingikil o paghingi ng pera o tong
mula sa mga nakakagawa ng maliliit na paglabag sa batas o maging
mula sa mga inosenteng mamamayan;
• gawain ito ng mga gambling o jueteng lords (p.97) o panginoon
at mataas na lider sa sindikato ng ilegal na sugal;
• mayroon silang jueteng payola (p.98) o listahan ng mga taong
tuwiran o di-tuwirang nakikinabang sa operasyon ng jueteng.
8. The "Lagay" system
o Bribery
• perang panuhol sa opisyal
o kawani, kapalit ng serbisyong ilegal o para makaiwas sa parusa
ng batas (p.114) kagaya ng suhol, baterya, blood money, gobya, pitsa,
at ningning;
• tiwalang transaksiyon na ang batayan ay pera at ang layunin
ay ikutan o isantabi ang normal o legal na proseso o suhulan;
• ito ay sistema o gawi o gawain ng mga mamamayan para magbigay
sa mga nasa gobyerno na nakaluklok sa sensitibong posisyon na nagkakalakas
dahil sa red tape
• (p.168) o mabusisi at hindi kailangang mga hakbang at paraan,
na nagpapabagal sa proseso ng mga transaksiyon sa burukrasya;
• dahil sa rekisitos, mahaba at matagal na proseso ng mga
dokumento, di-epektibo at di-episyenteng pagpapalakad ng personel,
kawalan ng propesyonalismo sa serbisyo publiko;
• napipilitan ang mga mamamayan na extraordinaryo at ilegal
na paraan para mapadali ang pagproproseso at pagkuha ng mga dokumentong
personal gaya ng lisensiya, permiso, clearance, at iba pa;
• sa mga ahensiya ring dapat magdesisyon sa mga nasabing isyu,
isang metodo ay ang paggamit ng fixer (p.71) o taong nagsasagawa
ng mga ilegal, tulad ng pamemeke ngmga dokumento at pagpapalusot
ng maaanomalyang gawi o uri ng pandaraya o forgery (p.72).
KAILAN AT SAAN NAGSIMULA
ANG KORUPSIYON?
May ilang historyador na nagsasabing
sa tinatagal-tagal ng mga mananakop sa Pilipinas, halimbawa, ang
pamamalagi rito ng mga Espanyol, nabuo ang pananaw na negatibo sa
pamahalaan ng mga karaniwang tao.
Sa pangkalahatan, sa loob ng 333
taon ng mga pamahalaang Kastila, isinilang ang pagtinging "kami-kami"
at "kayo-kayo" sa dahilang sila ay nang-aapi.
Dantaon ang saksi sa epekto nito sa kamalayang Filipino.
Kung baga, imposibleng mabura sa
diwa at damdamin ang pagbabago ng persepsiyon sa gobyerno.
Dahil dito, nariyang nakawan natin
ang pamahalaan, nang walang natatakot o hindi nakokonsensiya.
"The institutions of government
were agents of abuse and oppression, At its best, government came
to mean for the Filipino an institution that was burdensome; at
its worst, it was predatory.... To the Filipino, government became
an institution to be avoided, for its interests were contradictory
to his. People and government were estranged from each other, and
the bonds of community were dissolved. ..." [Corpuz 1965:78]