HomeAbout CorruptionaryContact usLinksCenPEG Publications
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KULTURAKOT

Ni Vim Nadera
First National Conference-Festival on Corruption
Dec. 8-9, 2008
University Hotel, UP Diliman, Quezon City

PASAKALYE

Noong 1988, pangungurakot na ang itinuturing ng Arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin na "pinakamabigat na problema" ng Pilipinas noong Administrasyong Marcos.

Noong 1989, pinaniniwalaang ng Administrasyong Aquino na "mas banta sa seguridad ang mga nangungurakot na opisyal ng gobyerno kaysa komunistang gerilya.
Noong 1992, para sa dating Pangulong Fidel V. Ramos ang korupsiyon ang ikatlong balakid sa pag-unlad ng bansa.

Noong 1998, mataas ang nakuhang grado sa Transparency International and the Political and Economic Risk Consultancy (PERC), LTD. Pumang-anim ang Pilipinas sa 11 bansa sa Asya sa PERC corruption perception index (CPI), isang sukatan ng nawalang oportunidad sa mga investment. Habang dumadami ang mga paglutas sa problema ng kurakutan, ang iskor na 6.5 ang Pilipinas ay hindi pa rin ligtas sa krimeng ito. Umabot sa 30% ng pambansang badyet taon-taon ang nawawala sa kurakot. Kaya, kung ang badyet noong 1999 ay P590 bilyon (US$15.5 bilyon) ang nawawala sa nakaw ay P170 bilyon (US $ 4.47 bilyon).

Noong Administrasyong Estrada nangako siyang ibaba ang karakutan bago matapos ang kanyang panunungkulan sa 80 %.

Dahil sa Edsa Dos, mabibigyan ng bagong pag-asa laban sa korupsiyon ang mga Filipino sa pagkakaluklok ni Gloria Macapagal Arroyo.

Kamakailan, wika ni Sen. Mar Roxas: "This mess in Moscow is not only an international embarrassment but goes to the root of the rule of law in our country because it involves those mandated to enforce the law. If this is what our police generals are doing, how can we stop corruption in the streets."

Ang eskadalong kinasasangkutan ng tinatawag na media na "Eurogenerals" ay ang pinakahuli ng mga sunod-sunod na kasong high-profile sa Pilipinas, kasangkot ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Gloria Macapagal Arroyo.
Matatandaang napuwersa ang ibasura ang $329-milyong internet broadband deal sa pamamagitan ng pamahalaang Filipino at Tsino at ng mga kompanyang ZTE – ilang buwan lamang matapos personal na saksihan ni GMA ang kasunduan sa Tsina noong 2007.

Dahil sa paglabas ni Engr. Rodolfo Noel Imperial Lozada, Jr., napilitang magbitiw si tagapanggulo, o tagapangulo, ng Commission on Elections na si Benjamin Abalos, na naakusahan ng paglalagay sa dating kalihim ng Socio-economic Planning Romulo Neri.
Ipinangalandakan ni GMA ang "executive privilege" upang mapigilan si Neri na sumagot sa panggigisa ng Senado kung bakit pinayagan ni GMA ang transaksiyon gayong maanomalya ito.

Ayon sa ulat ng Center for Global Development, isang taga-Washington monitor na magmumungkahi kung karapat-dapat bigyan tayo ng tulong sa ilalim ng Millennium Challenge Corporation ng Estasdos Unidos, bumagsak ang kakayahan ng pamahalaan ng Pilipinas na sugpuin ang korupsiyon nitong nagdaang dalawang taon.
Ayaw pumayag ni GMA, na nagsabing ang dapat sisihin sa persepsiyong laganap ang pangungurakot ay walang iba kundi ang media:

"What would be on page 10 in some other countries would be a banner headline in the Philippines," ani GMA sa isang forum ng mga negosyanteng internasiyonal sa Maynila,
"Even rumours and innuendos become fact when they're in the banner headline, that's part of what we have to live with."

Kaya kinulat ni GMA ang sektor ng negosyo na iulat agad ang katiwalian o kalokohang mararanasan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang "magawan niya ng paraan."
Sa kabilang-dako, ayon kay Justin Woods, ang direktor ng South-East Asia corporate network ng The Economist Intelligence Unit, hindi siya naniniwalang persepsiyon lamang ang kurakutan sa Pilipinas: "If you talk to business people privately, they believe that perception is correct and that corruption is high and its a problem that needs to be addressed."

ANO NGA BA ANG KURAKOT?

Isang konsensus ang nabubuo.

Ito ay nagsasabing malalang sakit ang korupsiyon.

Dahil dito, paparami nang paparami ang mga tanggapan sa buong mundo ang nagsisimula nang gumawa ng mga patakaran para ito sugpuin.
Ang mga ito sana ay lumikha ng mga batayan kung paano suriin ang mga patakarang ito.

Dapat makabuo ng mga panukat at para masukat ang epekto ng mga ito ay kailangan nang simulan ngayon.

Ilan sa mga uri ng korupsiyon ay walo. (8 URI NG KURAKOT POWERPOINT)

1. Tax Evasion (p.189)

• hindi pagbabayad ng tamang buwis;
• hindi pagdedeklara ng taunang kita para magbigay ng karampatang buwis sa gobyerno;
• talamak sa hanay ng negosyong pribado;

2. Ghost Projects and Payrolls (p.78)

• proyektong nasa papel lamang;
• hindi tinutupad at ginagamit ng mga opisyal para magkapera;
• ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno sa impraestruktura, suweldo, allowances, at pensiyon.

3. Evasion of Public Bidding in the Awarding of Contracts

• pag-iwas sa bidding ng mga komite sa bid at award;
• igagawad, sa halip, sa kakontsabang kompanya o kontraktor;
• kapalit ang cut/kickback/lagay/komisyon o bahagi ng perang nakurakot, na ibinibigay sa mga nagsagawa ng ilegal na transaksiyon (p.51);
• para makaligtas, ginagamit ang "piece-meal purchasing strategy" o pagbili nang pakonti-konti ng mga gamit at materyal pero tuloy-tuloy;
• kasunduan ng bibili at bibilhan ang nagaganap nang may porsiyento ang bibili na ginagawa sa sadyang pagtataas ng presyo ng bibilhin o ang pagbili ng may mababang kalidad na produkto.

4. The practice of passing contracts from one contractor to another

• sa konstruksiyon, pinagpapasa-pasahan ng mga kontraktor ang trabaho at bawat isa ay may porsiyento;
• mahinang klase ng proyekto o di-tapos ang resulta nito;
• lahat may patong (p.150) o halagang idinadagdag o inapatong ng mga korap sa totoong badyet ng isang proyekto, na napupunta sa kanilang bulsa o tongpats (p.195).

5. Nepotism and Favoritism

• nakasanayan na ng mga opisyal ng gobyerno ang magluklok sa posisyon ng mga kaanak at kaibigang hindi kuwalipikado;
• isa ito sa mga sanhi ng kawalan ng tiwala ng bayan dahil nagbubunga ito ng inepisyensiyang burukrasya.

6. Extortion

• pagkuha ng pera o paghingi ng pabor sa biktima sa pamamagitan ng intimidasyon, pananakot, at dahas;
• bukod sa pera ginagatasan ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang kliyente ng mahahalagan bagay o kung ano-ano mula sa karaniwang tao;
• talamak ito sa mga ahensiyang nagbibigay ng lisensiya o clearance at iba pang dokumento, o ang mga tanggapang nagrerekrut o tumatanggap ng mga tauhan, o ang mga opisinang nagkakaloob ng serbisyo sa tao nang direkta.

7. "Tong" or Protection Money

• perang suhol o bayad para sa ilegal na serbisyo o perang proteksiyon para hindi maaresto at maparusahan (p.194);
• karaniwang nagbibigay ay ang mga negosyanteng walang permit;
• sinumang nagbibigay ng proteksiyon sa mga holdaper, kidnaper, at iba pang kriminal para sila ay hindi maaaresto o makulong, karaniwan ay mga pulis o may koneksiyon sa mga pulis (p.194) o kotong cop (p.109) o iba pang tagapagpatupad ng batas-trapiko na mahilig manghingi ng tong sa mga motorista;
• kotong (p.109) ang tawag sa perang kinukuha sa biktima ng mga pulis o opisyal o sa sapilitang pagkuha ng pera sa mga biktimang kalimitan ay walang magawa kundi magbigay kahit walang-wala at kotongan (p.110) ay ang pagkuha ng suhol mula biktima ng mga konsuholtang (p.52) o taong dalubhasa sa katiwalian kaya kinokonsulta upang magtagumpay ang mga gawaing korup;
• pangongotong (p.145) pangingikil o paghingi ng pera o tong mula sa mga nakakagawa ng maliliit na paglabag sa batas o maging mula sa mga inosenteng mamamayan;
• gawain ito ng mga gambling o jueteng lords (p.97) o panginoon at mataas na lider sa sindikato ng ilegal na sugal;
• mayroon silang jueteng payola (p.98) o listahan ng mga taong tuwiran o di-tuwirang nakikinabang sa operasyon ng jueteng.

8. The "Lagay" system o Bribery

• perang panuhol sa opisyal o kawani, kapalit ng serbisyong ilegal o para makaiwas sa parusa ng batas (p.114) kagaya ng suhol, baterya, blood money, gobya, pitsa, at ningning;
• tiwalang transaksiyon na ang batayan ay pera at ang layunin ay ikutan o isantabi ang normal o legal na proseso o suhulan;
• ito ay sistema o gawi o gawain ng mga mamamayan para magbigay sa mga nasa gobyerno na nakaluklok sa sensitibong posisyon na nagkakalakas dahil sa red tape
• (p.168) o mabusisi at hindi kailangang mga hakbang at paraan, na nagpapabagal sa proseso ng mga transaksiyon sa burukrasya;
• dahil sa rekisitos, mahaba at matagal na proseso ng mga dokumento, di-epektibo at di-episyenteng pagpapalakad ng personel, kawalan ng propesyonalismo sa serbisyo publiko;
• napipilitan ang mga mamamayan na extraordinaryo at ilegal na paraan para mapadali ang pagproproseso at pagkuha ng mga dokumentong personal gaya ng lisensiya, permiso, clearance, at iba pa;
• sa mga ahensiya ring dapat magdesisyon sa mga nasabing isyu, isang metodo ay ang paggamit ng fixer (p.71) o taong nagsasagawa ng mga ilegal, tulad ng pamemeke ngmga dokumento at pagpapalusot ng maaanomalyang gawi o uri ng pandaraya o forgery (p.72).

KAILAN AT SAAN NAGSIMULA ANG KORUPSIYON?

May ilang historyador na nagsasabing sa tinatagal-tagal ng mga mananakop sa Pilipinas, halimbawa, ang pamamalagi rito ng mga Espanyol, nabuo ang pananaw na negatibo sa pamahalaan ng mga karaniwang tao.

Sa pangkalahatan, sa loob ng 333 taon ng mga pamahalaang Kastila, isinilang ang pagtinging "kami-kami" at "kayo-kayo" sa dahilang sila ay nang-aapi.
Dantaon ang saksi sa epekto nito sa kamalayang Filipino.

Kung baga, imposibleng mabura sa diwa at damdamin ang pagbabago ng persepsiyon sa gobyerno.

Dahil dito, nariyang nakawan natin ang pamahalaan, nang walang natatakot o hindi nakokonsensiya.

"The institutions of government were agents of abuse and oppression, At its best, government came to mean for the Filipino an institution that was burdensome; at its worst, it was predatory.... To the Filipino, government became an institution to be avoided, for its interests were contradictory to his. People and government were estranged from each other, and the bonds of community were dissolved. ..." [Corpuz 1965:78]

Copyright 2008 © Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), Philippines, All rights reserved